Jake
Sa isang
madilim na lugar, makikitang pagod na pagod si Jake sa katatakbo dahil
hinahabol siya ng mga babae. Hindi niya alam ang kanyang gagawin kayat patuloy
siya sa pagtakbo at biglang huminto nang makakita ng isang kotse sa tabi ng
kalsada. Mukhang tanga naman ang nag-iwan dito kasi nasa loob ang susi at hindi
pa ito naka-lock. Binuksan niya ang kotse at pumasok siya dito. Nang paandarin
niya, hindi niya alam na may nakasakay pa lang babae dito at nagtago sa loob ng
kotse. Hinawakan siya ng babae at parang sasakalin. Humihigpit ang hawak ng
babae. Mas lalong natakot siya nang papalapit pa ang ibang babaeng naghahabol
sa kanya. Papalapit sila ng papalapit, at biglang..... tumunog ang alarm.
Nagising si Jake at nang tignan ang oras.
"Patay! 45 minutes na lang, mag-iistart na ang klase
ko!" - Jake
Mabilis
siyang naligo, nagsipilyo at nagbihis. Paglabas ng bahay ay agad nang pumara ng
taxi upang mapabilis ang pagbiyahe papuntang school.
"Naku! 35 minutes na lang! Magagalit nanaman si dean
sa akin!" - Jake
Wala na
talagang pagbabago itong si Jake. Ilang beses na siyang nale-late sa klase niya
at ilang beses na din siyang pinagsasabihan ng kanyang dean.
“Kapag hindi na ako makapag-tiis sa yo Mr. Dela Cruz, ay
tatanggalin na kita sa faculty ko!” – Dean
Tandang-tanda
pa ni Jake ang sinabi sa kanya ng dean kaya naman ganun na lamang ang
pagmamadali niya.
“Manong, wala na bang mas bibilis diyan?” – Jake
“Sir, traffic eh! Wala tayong magagawa dito, hintayin
lang natin makaabot ako sa kanto at magsho-shortcut tayo. Pero kung gusto niyo
ng mas mabilis kaysa sa taxi ko, bumili ka ng helicopter mo sir.” – taxi
driver.
Asarin ba
naman siya ng driver.
“Naku! 20 minutes na lang! Kailangan ko na atang maghanap
ng bagong trabaho.” – Jake
Sobrang
nag-aalala na si Jake dahil alam niya na kapag male-late pa siya ngayon ay wala
na siyang trabaho kasi tatanggalin na siya ng dean.
“Sir, suwerte niyo, walang traffic dito sa shortcut
ngayon.” – taxi driver
Medyo
nakahinga ng maluwag si Jake. 15 minutes na lang at nakarating na din siya sa
school sa wakas! Binigyan niya ng tip yung driver dahil sa ginawa niya. Sa
harap ng school ay bumili si Jake ng kape at dinala niya ito papunta sa kanyang
room.
“10 minutes na lang.” – Jake
Nagmadaling
tumakbo si Jake at halos matapon ang kape niya. Habang tumatakbo ay nakasalubong
niya ang isa pa niyang klase, binati siya ng mga ito.
“Hi Sir! Good morning!” – students
“Hello! Good morning too.” – Jake
May 5
minutes pa at umakyat na ito sa stairs kasi madaming tao sa elevator. Habang
nasa stairs ay nakasalubong ang isa pang professor.
“Good morning Mr. Dela Cruz! Masyadong nagmamadali ka
ata.” – Mr. Vidal
“Good morning din sir. I have to go! Talk to you later.”
– Jake
Nagmadaling
tumakbo si Jake sa kanyang kuwarto at ayun, nakaabot din siya sa wakas.
“Good morning class!!! Open your book to page 99.” – Jake
Ano kaya
ang masasabi ng dean at hindi na-late si Jake???
No comments:
Post a Comment