Rommel
Hindi
naman matapos-tapos ang pagtunog ng cellphone ni Rommel sa dami ng tumatawag at
nagtetext sa kanya tungkol sa product nilang Mesana.
Riiing-riiing.
“Wait mo na lang
diyan Cecille na update ko na kasi yung courrier.” – Rommel
“Okay sir,
thanks.” – Cecille
Paalis na
siya sa kanilang office building para sunduin niya ang kanyang girlfriend
niyang si Lyka. Sumakay siya sa kanyang kotse na katas ng networking.
Si Rommel
ay laki sa hirap. Ang mga magulang niya ay magsasaka at nasa probinsiya. Dahil
sa pagsasaka ng kanyang mga magulang, siya ay nakapag kolehiyo sa Maynila. Sa
Maynila niya din nakilala ang mga kaibigan niyang sina Jake at Venice. Dahil sa
mga kaibigan niya, natuto siyang mag-drum. Kaya naman nasali siya sa kanilang
maliit na banda noong college days nila. Nag-iisang anak si Rommel kaya naman
nagsakripisyo ang kanyang mga magulang para makapag-aral siya at kaya naman
ngayon ay sinusuklian ito ni Rommel sa pamamagitan ng pagpapadala ng pera sa
kanila.
Dumating
na si Rommel sa lugar kung saan nagtratrabaho si Lyka. Pumasok siya sa building
at nakita niya si Lyka na nakaupo sa lobby. Nakita din siya ni Lyka kaya
kinawayan niya ito. Agad naman siyang nilapitan ni Rommel at niyakap sabay
halik sa lips.
“Babe, kanina ka
pa ba diyan?” – Rommel
“Di naman gaano
babe.” – Lyka
“Tara na!” –
Rommel
Sabay
hawak sa kamay ni Lyka at hinila ito papalabas ng building. Umalis na ang
dalawa patungo sa isang magarbong restaurant sa Makati. Nakita ni Lyka yung
itsura ng restaurant kaya tinanong niya si Rommel.
“Mukha atang
mamahalin diyan babe. Sa murang resto na lang.” – Lyka
“Akong bahala
sa’yo. Chill ka lang.” – Rommel
Namula
naman si Lyka sa sinabi ni Rommel. Pagpasok pa lang sa resto ay sinalubong sila
ng guwardiya at pinagbuksan ng pinto. Sa loob ng resto ay madaming kumakaing
iba’t ibang lahi. Sadya ngang sikat at fine dining ang restaurant na yun.
Sinalubong sila ng isang waitress at ginabayan patungo sa isang bakanteng table
para sa dalawa.
“Good evening
sir. I’m Luisa and I/m happy to serve you!” – Luisa (waitress)
“We will call
you when we’re ready.” – Rommel
Agad
namang umalis ang waitress ng hindi kalayuan sa kanila. Mayat maya ay tumunog
ulit ang cellphone ni Rommel.
“Hello sir,
Christine here, your assistant. Sorry to disturb you pero kailangan kong
sabihin sa inyo at malaman niyo na magiging speaker kayo sa Pampanga branch on
22nd of this month at 10:00 am.” – Christine
“Wrong timing ka
naman Christine. Okay sige na thanks.” – Rommel
“Okay sir, bye.”
– Christine
Pinatay
muna ni Rommel ang phone para walang maka-istorbo sa dinner date nila ni Lyka
ngunit hindi niya maiwasang tanungin ito.
“Whos that?” –
Lyka
“It’s my
assistant at sinabi niyang may meeting ako sa Pampanga branch sa 22.” – Rommel
“Well, for now
kalimutan mo muna yan because tonight is our night okay.” – Lyka
Sabay
hawak sa pisngi ni Rommel.
“Oo naman babe.”
– Rommel
Nagtinginan
sila sabay kinuha ang menu upang pumili ng kanilang order. Ilang minuto ang
lumipas tinawag na nila ang waitress upang makuha ang kanilang order.
No comments:
Post a Comment