Venice
Maagang
nagising si Venice. Tumingin siya muna sa salamin upang tignan ang sarili.
Nagpahanda siya ng makakain sa kanilang maid pagkatapos ay naligo na ito.
Pagbaba ay nakahain na ang kanyang breakfast. Kumain na ito at habang kumakain
ay tinawag ulit ang kanilang katulong.
“Ate Susie,
pakitimplahan po ako ng coffee yung white please. Thanks.” – Venice
“Okay po maam.”
– Ate Susie
Inabot na
nga ng katulong ang kape ni Venice. Habang kumakain ay inisip niya ang kanyang
tropa na kung saan ay magkakaroon sila ng tropa day sa Linggo. Niyaya niya rin
ang mga katulong na kumain na pero tapos na pala ang mga ito. Pagkatapos niyang
kumain ay nagsipilyo na ito at pumasok na sa kanyang trabaho. Nagpahatid siya
sa kanilang driver. Pagdating at pagdating sa kanyang trabaho ay binati agad
siya ng guwardiya.
“Good morning po
maam.” – Guard
“Good morning
din manong.” – Venice
Masaya
siyang pumasok sa trabaho. Isa siyang assistant manager sa banko. Sadyang
napaka stressful ng kanyang trabaho dahil napakalaki ng kanyang
responsibilidad. Tuloy na siyang nagtungo sa kanyang office. Pagkaupo ay
napansin niya ang isang tasa ng kape sa office table niya. Agad niyang tinawag
ang utility na si Manong Jun. Nagtatakbo namang pumunta sa office ni Venice si
Manong Jun.
“Manong Jun,
diba ilang beses ko nang sinabi na white coffee? White coffee lang, white!” –
Venice
Pumasok
naman sa kanyang office ang isa sa mga accountant niya at may dala-dalang tasa
ng kape.
“Kalma lang sis,
ito na ang white coffee mo. Dahan-dahan lang sa mga wrinkles, baka
mag-multiply.” – Sky
Si Sky o
Ronald Tominez ay isang account at isang beki. Nauna siyang nagtrabaho kesa kay
Venice sa parehong banko. Nang kalaunan ay naging magkaibigan ang dalawa dahil
halos parehas sila ng hilig. Kinaibigan niya si Venice hindi dahil para
sumipsip ito kundi dahil sadyang maarte si Sky at ganun din si Venice sabi nga
ng mga matatanda, magkabalahibo-an.
Sadyang
ikinatuwa naman ni Venice ang pagpasok ni Sky sa kanyang office kaya pinalabas
na niya si Manong Jun at sinabihang huwag na siyang ipagtimpla ng kape.
Nagkwentuhan ang dalawa sa mga nangyari sa kanila sa mga nakalipas na araw.
Matagal-tagal din silang nag-usap.
“Hay naku, buti
na lang at nandito ka. Kundi mamamatay nanaman ako sa mga stress na binibigay
sa akin ng trabaho ko.” – Venice
“Ano ka ba sis,
your welcome. Ano, tuloy ba ang lakad sa Sunday with your friends?” – Sky
“Tuloy na tuloy
kaya kailangan mong sumama para ipakilala kita sa mga friends kong hunk na
hunk.” – Venice
“Siyempre naman.
Go lang ng go.” – Sky
Sabay
nagtawanan ang dalawa. Pagkatapos nam
an nilang mag-usap ay nagtungo na si Sky
sa kanyang trabaho. Buong araw namang kaharap lang ni Venice ang computer at
mga papeles. Wala naman siyang magawa, kailangan niya talagang gawin ang
kanyang trabahong nakatoka sa kanya. Mayat maya ay pumasok ulit si Sky sa
kanyang office.
“Sis, mamaya
mall tayo ha.” – Sky
“Ay oo,
magpapasama sana ako sayo kasi may bibilhin ako. Alam mo na basta mall, game na
game ako diyan!” – Venice
Pagkatapos
ay ipinagpatuloy ulit ang kanilang trabaho ng maghapon.
No comments:
Post a Comment