Jake at School
Tapos na
ang firsta class ni Jake at nilapitan at kinausap siya ng dean.
“Well done Mr.
Dela Cruz! Kung palaging ganyan on-time ka, you can keep your job!” – dean
Salas.
“Dean, mahal ko
ang trabaho. I need to work hard and sacrifice for it di ba?” – Jake
“That is good!
That is the kind of faculty I want to keep. Keep it up!” – dean Salas
Natuwa naman
si Jake sa mga narinig niya kaya bago siya umalis ay nagpaalam na ito.
“Okay dean. See
you later, I have to go to my next class po.” – Jake
“Okay Mr dela
Cruz. Just remember, I’m still watching you.” – dean Salas
Kinilabutan
at kinabahan si Jake kaya agad siyang umalis. Lagi siyang may kaba sa tuwing
nakakausap niya si dean. Ganun siguro ang pakiramdam ng lahat ng mga guro.
Pagdaan
niya ay sinalubong siya ng isang estidyante sa hallway. Lumapit ang estudyante
sa kanya at binigyan siya ng bulaklak. Siya pala yung natulungan niyang
intindihin ang algebra. Isa sa mga klase niya. Nagmadali namang umalis si Jake.
Patuloy pa rin siyang naglalakad sa hallway nang makakita ng mga estudyanteng
naghaharutan.
“Guys! Hindi
Luneta to! Instead of harutan mag-aral kayo for your next subject.” – Jake
Pangaral
niya sa mga nakita niyang naghaharutan. Habang naglalakad si Jake ay nakita
niya ang kapwa prof na si Ms. Santos. Si Ms. Santos ay isang matandang dalagang
collegue ni Jake na may gusto sa kanya. Siya ay nasa edad 40 at di ko alam kung
may asim pa. Patay na patay ito kay Jake. Nang makita ito ay agad siyang
lumihis ng landas ngunit napansin pa rin siya ni Ms. Santos kaya hinabol siya.
“Hi Jake! Gusto
mo bang sumabay sa aking maglunch mamaya?” – Ms. Santos
“Ah eh may klase
ako eh sa oras na yan.” – Jake
Hindi ko alam
bakit yang ang sinagot ni Jake eh alam niyang lunchbreak yun at kapag lunch
break lahat ng teacher naka break. Tsk. Tsk. Tsk.
“Lahat tayo ay
may lunchbreak from 12pm to 1pm. Kaya Mr. Dela Cruz free ka sa oras na yan.” –
Ms. Santos
Walang lusot si
Jake sa napakatangang sagot niya. Kaya pumayag na lang ito.
“Ah okay.” –
Jake
Saba kamot
sa ulo. Mabilis naman siyang umalis papunta sa klase niya. Pagkaraan ng ilang
oras ay tumunog na ang bell. Sinyales ito na lunchbreak na. Nagmamadaling
ayusin ni Jake ang mga gamit niya nang dumating si Ms. Santos sa pintuan ng
room at ayun huli!
“I hope hindi mo
nakalimutan yung usapan natin my Jake?” – Ms. Santos
Wait,
tinawag bang “my Jake” ni Ms. Santos si Jake? Hahaha
Sumagot
naman si Jake.
“Hindi, hindi ko
nakalimutan. Nakatatak pa nga sa ulo ko eh.” – Jake
Halos maduwal
siya sa kanyang sinabi at sumama na lang kay Ms. Santos. Kunting tiis lang sa
pasakit na dulot niya. Malalagpasan mo din ito, just hang-on.
No comments:
Post a Comment