Jake
Pagkatapos
ng kanyang klase ay nagmadaling umuwi si Jake para magpahinga. Mga 5:45 pm na
siya nakarating sa kanyang bahay. Humiga muna siya sa sofa at nakaidlip.
Nagising siya ng mga alas-7 ng gabi. Tinignan niya ang kanyang relo.
“Oh s#i+!!!
Nakatulog pala ako, sabi ko idlip lang. Hahaha.” – Jake
Umakyat
siya ng bahay at pumunta siya sa kanyang kuwarto upang magbihis. Balak nanaman
niya kasing pumunta sa bar para maglasing. Pagbaba niya ay hindi na siya kumain
at nagtungo na agad sa isang bar.
Si Jake ay
isang college professor at nagtuturo siya sa isang primyadong unibersidad. Ang
kanyang subject na tinuturo ay Math. Isa din siyang musiko. Gitarista at
bokalista ng kanilang banda noong nasa kolehiyo pa sila. May itsura si Jake,
kaya naman madaming babae ang nahuhumaling sa kaguwapuhan niya. Madami na din
siyang pinaiyak na babae dahil nagiging syota niya lang ang mga ito ng
panandalian tapos break din agad.
May kaya
ang pamilya ni Jake. Patay na ang ama niya at ang ina niya na lamang ang kasama
niya sa kanyang bahay. Ang mga kapatid ay nasa US at may kani-kanilang pamilya
na din. Mahilig naman mag-casino ang ina dahil dito niya din binubuhos ang sama
ng loob niya sa maagang pagpanaw ng kanyang asawa.
Mga 8:00
pm na siya naka-alis ng bahay at nagtungo na siya sa bar. Napaka eligante at
sadyang magarang magara ang pinupuntahan niyang bar. May mga mamahaling alak na
naka-display sa bar counter at siguradong maglalaway ka sa dami ng mga babaeng
pumupunta dito.
Lumapit
siya sa counter at umupo. Kinausap ang bartender para umorder ng maiinom.
“Give me gin-tonic
please.” – Jake
Agad
namang nagtimpla ang bartender ng gin-tonic. Ang gin-tonic ay kumbinasyon ng
gin at tonic water na may garnish na sliced lemon at may madaming yelo.
“Sir, your
gin-tonic.” – bartender
Tuwing
gabi ay nagpupunta siya dito para uminom kaya medyo kabisado na din siya ng
bartender. Paniwala niya kasi kapag umiinom siya ay natatakasan niya ang
kanyang problema ngunit sa halip ay panadaliang takas lamang ito sa realidad.
Napapaindak din siya sa mga tugtugin sa bar dahil sa may magagaling na dj’s
dito. Naka-ilang baso din siya ng gin-tonic at medyo tipsy na din siya. Mayat
maya, may lumapit na babae sa kanya. Isa siya sa mga naging ex niya.
“Hi Jake! Hindi
ka pa rin ba naka move-on?” – isa sa mga ex
“Hah?! Wala na
tayo diba? So get lost!” – Jake
Masungit
niyang sagot sa ex niya.
“Gaya ka pa rin
ng dati, napaka-selfish mo at walang direksyon ang buhay. Get a life man!” –
isa sa mga ex niya.
“Whatever
bi+ch!” - Jake
Iniwan na
siya ng babae at ipinagpatuloy pa rin ni Jake ang pag-inom. Sige, enjoy lang
siya sa music, napapa sayaw sa kanyang upuan. Madali niyang naubos ang iniinom
kayat nag-order ulit ng isa pa. Niyaya niya din ang bartender na samahan siyang
uminom kaya inilibre niya ito ng isang inumin. Ipinagpatuloy niya an gpag-inom
hanggang sa magsara ito ng ala-una ng madaling araw.
No comments:
Post a Comment