Friday, July 25, 2014

Prologue

Sunday Friends

     Kuwento ito ng tatlong mag-magkakaibigan na sa tuwing Linggo ay nagsasama at tinawag nila itong Tropa Night. Dahil sa pagkakaibigan nila ay nagbuo sila ng maliit na banda- si Jake bilang bokalista at gitarista, si Rommel bilang drummer at si Venice bilang bassist. Hanggang sa kalaunan na maghihiwalay na sila dahil sa kani-kanilang  relationships.

     Si Jake bilang bokalista at gitarista ng banda, siya din ay isang college professor na babaero. Tuwing gabi
siya ay nagpupunta sa bar para uminom.

     Si Rommel bilang isang drummer, siya din ay nagtratrabaho sa networking. Palaging kausap ang kanyang cellphone.

     Si Venice bilang isang bassist, siya ang kikay sa barkada, suplada, masungit at mahilig uminom ng white coffee.

     Abangan ang kuwento ng tatlong ito at paano nila harapin ang kani-kanilang problema sa barkada at sa sarili. Abangan din natin kung sino ba ang taong hahanapin nila.


No comments:

Post a Comment