Saturday, August 30, 2014

Chapter 2

Venice
Lubog sa paperworks itong si Venice at halos sumakit na ang kanyang ulo, mata at likod. Sa sobrang pagod, nagpatimpla siya ng kape kay Manong Jun.

“Manong Jun, white coffee nga please.” – Venice

          Biglang nanumbalik ang sigla ni Venice nang makita niyang isang oras na lang at magta-time out na. Habang humihigop ng kape, iniisip niya kung ano ang gagawin niya pagkatapos ng duty.

          Pagkalipas ng isang oras...

“Sa wakas! 5:00 pm na.” – Venice

          Pumasok sa office niya si Sky at kinausap ito.

“Sis, anong plano?” – Sky

“Ano pa nga ba? SHOPPING!!!” – Venice

“Okay prepare ko lang mga gamit ko.” – Sky

“Go, I’ll be ready in 5 minutes.” – Venice

          Nagmadaling ayusin naman ang gamit ni Sky at ganun din si Venice.  Pagod na ang dalawa sa work at naisipan pa nilang maglakad-lakad sa mall. Ito lang kasi ang relaxation ni Venice, hindi naman siya naninigarilyo at occasional lang kung uminom ng alak. Lumabas na ang dalawa at nagtungo sa mall. Sumakay ang dalawa ng taxi at habang nasa loob ay pinag-uusapan na agad kung ano ang kanilang kukunin sa mall.

          Si Venice ay bunso sa kanilang magkakapatid. Ang kanyang dalawang ate ay nasa abroad, nasa Canada ang panganay na si Violet at nasa Singapore naman ang isa pa niyang ate na si Venus. Ang kanyang kuya na si Vincent naman ay isang doktor sa isang sikat na hospital sa Makati. Ang kanyang naman naman na si Victor ay retiradong Philippine Navy at ang ina naman na si Vilma ay dating manggagawa sa iabng bansa partikular sa Singapore din. Silang mag-asawa na lang ang kasama ni Venice sa bahay. May kaya ang pamilya niya kaya naman ang mga magulang niya ay palaging nasa casino.   

          Baliakn natin sila Venice at Sky na kung saan ay nakarating na sa mall. Nagtungo ang dalawa sa isang department store upang mamili ng damit na isusuot sa hang-out ng tropa ni Venice. Halos walang mapili itong si Venice kaya umabot siya ng siyam siyam sa pamimili. Napagod naman itong si Sky sa kahihintay dahil sa katagalan nitong pumili ng bibilhin.

“Sis, year 2020 na! Kailan mo ba balak bumili?” – Sky

          Walang kibo si Venice.

“Sis, halos mag-iisang oras ka ng nandiyan at nagbabantay sa’yo.” – Sky

“Kalma ka lang sis. Ang dami kasi akong gusto pero dapat isa lang naman ang bibilhin ko at ngayon ako ay nalilito.” – Venice

“Hah!!??? Ano ba ang favorite mong kulay? Di yun na ang bilhin mo. OMG na to ha!!!” – Sky

          Halos namuti na ang mga mata ni Sky sa kahihintay kay Venice at laking ginhawa naman nito nang nakapili na si Venice. Binayaran na agad ito ni Venice sa cashier at pagkatapos ay kinausap si Sky.

“Saan tayo after this? Kain tayo?” – Venice

“Finally, nawalan ako ng calories sa paghihintay sayo sis, kailangan nating kumain sa isang buffet.” – Sky

“Hahaha. Sira! Sa isang fastfood na lang.” – Venice

          Pagkatapos nila sa cashier ay nagtungo ang dalawa sa isang fast food restaurant at dun pa sila nagkuwentuhan ng matagal. Pagkalipas ng ilang oras dun ay umuwi na ang dalawa.


Thursday, August 28, 2014

Chapter 2

Rommel
          Hindi naman matapos-tapos ang pagtunog ng cellphone ni Rommel sa dami ng tumatawag at nagtetext sa kanya tungkol sa product nilang Mesana.
Riiing-riiing.

“Wait mo na lang diyan Cecille na update ko na kasi yung courrier.” – Rommel

“Okay sir, thanks.” – Cecille

          Paalis na siya sa kanilang office building para sunduin niya ang kanyang girlfriend niyang si Lyka. Sumakay siya sa kanyang kotse na katas ng networking.

          Si Rommel ay laki sa hirap. Ang mga magulang niya ay magsasaka at nasa probinsiya. Dahil sa pagsasaka ng kanyang mga magulang, siya ay nakapag kolehiyo sa Maynila. Sa Maynila niya din nakilala ang mga kaibigan niyang sina Jake at Venice. Dahil sa mga kaibigan niya, natuto siyang mag-drum. Kaya naman nasali siya sa kanilang maliit na banda noong college days nila. Nag-iisang anak si Rommel kaya naman nagsakripisyo ang kanyang mga magulang para makapag-aral siya at kaya naman ngayon ay sinusuklian ito ni Rommel sa pamamagitan ng pagpapadala ng pera sa kanila.

          Dumating na si Rommel sa lugar kung saan nagtratrabaho si Lyka. Pumasok siya sa building at nakita niya si Lyka na nakaupo sa lobby. Nakita din siya ni Lyka kaya kinawayan niya ito. Agad naman siyang nilapitan ni Rommel at niyakap sabay halik sa lips.

“Babe, kanina ka pa ba diyan?” – Rommel

“Di naman gaano babe.” – Lyka

“Tara na!” – Rommel

          Sabay hawak sa kamay ni Lyka at hinila ito papalabas ng building. Umalis na ang dalawa patungo sa isang magarbong restaurant sa Makati. Nakita ni Lyka yung itsura ng restaurant kaya tinanong niya si Rommel.

“Mukha atang mamahalin diyan babe. Sa murang resto na lang.” – Lyka

“Akong bahala sa’yo. Chill ka lang.” – Rommel

          Namula naman si Lyka sa sinabi ni Rommel. Pagpasok pa lang sa resto ay sinalubong sila ng guwardiya at pinagbuksan ng pinto. Sa loob ng resto ay madaming kumakaing iba’t ibang lahi. Sadya ngang sikat at fine dining ang restaurant na yun. Sinalubong sila ng isang waitress at ginabayan patungo sa isang bakanteng table para sa dalawa.

“Good evening sir. I’m Luisa and I/m happy to serve you!” – Luisa (waitress)

“We will call you when we’re ready.” – Rommel

          Agad namang umalis ang waitress ng hindi kalayuan sa kanila. Mayat maya ay tumunog ulit ang cellphone ni Rommel.

“Hello sir, Christine here, your assistant. Sorry to disturb you pero kailangan kong sabihin sa inyo at malaman niyo na magiging speaker kayo sa Pampanga branch on 22nd of this month at 10:00 am.” – Christine

“Wrong timing ka naman Christine. Okay sige na thanks.” – Rommel

“Okay sir, bye.” – Christine

          Pinatay muna ni Rommel ang phone para walang maka-istorbo sa dinner date nila ni Lyka ngunit hindi niya maiwasang tanungin ito.

“Whos that?” – Lyka

“It’s my assistant at sinabi niyang may meeting ako sa Pampanga branch sa 22.” – Rommel

“Well, for now kalimutan mo muna yan because tonight is our night okay.” – Lyka

          Sabay hawak sa pisngi ni Rommel.

“Oo naman babe.” – Rommel

          Nagtinginan sila sabay kinuha ang menu upang pumili ng kanilang order. Ilang minuto ang lumipas tinawag na nila ang waitress upang makuha ang kanilang order.


Wednesday, August 13, 2014

Chapter 2

Jake

          Pagkatapos ng kanyang klase ay nagmadaling umuwi si Jake para magpahinga. Mga 5:45 pm na siya nakarating sa kanyang bahay. Humiga muna siya sa sofa at nakaidlip. Nagising siya ng mga alas-7 ng gabi. Tinignan niya ang kanyang relo.

“Oh s#i+!!! Nakatulog pala ako, sabi ko idlip lang. Hahaha.” – Jake

          Umakyat siya ng bahay at pumunta siya sa kanyang kuwarto upang magbihis. Balak nanaman niya kasing pumunta sa bar para maglasing. Pagbaba niya ay hindi na siya kumain at nagtungo na agad sa isang bar.

          Si Jake ay isang college professor at nagtuturo siya sa isang primyadong unibersidad. Ang kanyang subject na tinuturo ay Math. Isa din siyang musiko. Gitarista at bokalista ng kanilang banda noong nasa kolehiyo pa sila. May itsura si Jake, kaya naman madaming babae ang nahuhumaling sa kaguwapuhan niya. Madami na din siyang pinaiyak na babae dahil nagiging syota niya lang ang mga ito ng panandalian tapos break din agad.

          May kaya ang pamilya ni Jake. Patay na ang ama niya at ang ina niya na lamang ang kasama niya sa kanyang bahay. Ang mga kapatid ay nasa US at may kani-kanilang pamilya na din. Mahilig naman mag-casino ang ina dahil dito niya din binubuhos ang sama ng loob niya sa maagang pagpanaw ng kanyang asawa.

          Mga 8:00 pm na siya naka-alis ng bahay at nagtungo na siya sa bar. Napaka eligante at sadyang magarang magara ang pinupuntahan niyang bar. May mga mamahaling alak na naka-display sa bar counter at siguradong maglalaway ka sa dami ng mga babaeng pumupunta dito.

          Lumapit siya sa counter at umupo. Kinausap ang bartender para umorder ng maiinom.
“Give me gin-tonic please.” – Jake

          Agad namang nagtimpla ang bartender ng gin-tonic. Ang gin-tonic ay kumbinasyon ng gin at tonic water na may garnish na sliced lemon at may madaming yelo.

“Sir, your gin-tonic.” – bartender

          Tuwing gabi ay nagpupunta siya dito para uminom kaya medyo kabisado na din siya ng bartender. Paniwala niya kasi kapag umiinom siya ay natatakasan niya ang kanyang problema ngunit sa halip ay panadaliang takas lamang ito sa realidad. Napapaindak din siya sa mga tugtugin sa bar dahil sa may magagaling na dj’s dito. Naka-ilang baso din siya ng gin-tonic at medyo tipsy na din siya. Mayat maya, may lumapit na babae sa kanya. Isa siya sa mga naging ex niya.

“Hi Jake! Hindi ka pa rin ba naka move-on?” – isa sa mga ex

“Hah?! Wala na tayo diba? So get lost!” – Jake

          Masungit niyang sagot sa ex niya.

“Gaya ka pa rin ng dati, napaka-selfish mo at walang direksyon ang buhay. Get a life man!” – isa sa mga ex niya.

“Whatever bi+ch!” - Jake

          Iniwan na siya ng babae at ipinagpatuloy pa rin ni Jake ang pag-inom. Sige, enjoy lang siya sa music, napapa sayaw sa kanyang upuan. Madali niyang naubos ang iniinom kayat nag-order ulit ng isa pa. Niyaya niya din ang bartender na samahan siyang uminom kaya inilibre niya ito ng isang inumin. Ipinagpatuloy niya an gpag-inom hanggang sa magsara ito ng ala-una ng madaling araw.



Monday, August 11, 2014

Chapter 1

Venice
          Maagang nagising si Venice. Tumingin siya muna sa salamin upang tignan ang sarili. Nagpahanda siya ng makakain sa kanilang maid pagkatapos ay naligo na ito. Pagbaba ay nakahain na ang kanyang breakfast. Kumain na ito at habang kumakain ay tinawag ulit ang kanilang katulong.

“Ate Susie, pakitimplahan po ako ng coffee yung white please. Thanks.” – Venice

“Okay po maam.” – Ate Susie

          Inabot na nga ng katulong ang kape ni Venice. Habang kumakain ay inisip niya ang kanyang tropa na kung saan ay magkakaroon sila ng tropa day sa Linggo. Niyaya niya rin ang mga katulong na kumain na pero tapos na pala ang mga ito. Pagkatapos niyang kumain ay nagsipilyo na ito at pumasok na sa kanyang trabaho. Nagpahatid siya sa kanilang driver. Pagdating at pagdating sa kanyang trabaho ay binati agad siya ng guwardiya.

“Good morning po maam.” – Guard

“Good morning din manong.” – Venice

          Masaya siyang pumasok sa trabaho. Isa siyang assistant manager sa banko. Sadyang napaka stressful ng kanyang trabaho dahil napakalaki ng kanyang responsibilidad. Tuloy na siyang nagtungo sa kanyang office. Pagkaupo ay napansin niya ang isang tasa ng kape sa office table niya. Agad niyang tinawag ang utility na si Manong Jun. Nagtatakbo namang pumunta sa office ni Venice si Manong Jun.

“Manong Jun, diba ilang beses ko nang sinabi na white coffee? White coffee lang, white!” – Venice

          Pumasok naman sa kanyang office ang isa sa mga accountant niya at may dala-dalang tasa ng kape.

“Kalma lang sis, ito na ang white coffee mo. Dahan-dahan lang sa mga wrinkles, baka mag-multiply.” – Sky

          Si Sky o Ronald Tominez ay isang account at isang beki. Nauna siyang nagtrabaho kesa kay Venice sa parehong banko. Nang kalaunan ay naging magkaibigan ang dalawa dahil halos parehas sila ng hilig. Kinaibigan niya si Venice hindi dahil para sumipsip ito kundi dahil sadyang maarte si Sky at ganun din si Venice sabi nga ng mga matatanda, magkabalahibo-an.

          Sadyang ikinatuwa naman ni Venice ang pagpasok ni Sky sa kanyang office kaya pinalabas na niya si Manong Jun at sinabihang huwag na siyang ipagtimpla ng kape. Nagkwentuhan ang dalawa sa mga nangyari sa kanila sa mga nakalipas na araw. Matagal-tagal din silang nag-usap.

“Hay naku, buti na lang at nandito ka. Kundi mamamatay nanaman ako sa mga stress na binibigay sa akin ng trabaho ko.” – Venice

“Ano ka ba sis, your welcome. Ano, tuloy ba ang lakad sa Sunday with your friends?” – Sky

“Tuloy na tuloy kaya kailangan mong sumama para ipakilala kita sa mga friends kong hunk na hunk.” – Venice

“Siyempre naman. Go lang ng go.” – Sky

          Sabay nagtawanan ang dalawa. Pagkatapos nam
an nilang mag-usap ay nagtungo na si Sky sa kanyang trabaho. Buong araw namang kaharap lang ni Venice ang computer at mga papeles. Wala naman siyang magawa, kailangan niya talagang gawin ang kanyang trabahong nakatoka sa kanya. Mayat maya ay pumasok ulit si Sky sa kanyang office.

“Sis, mamaya mall tayo ha.” – Sky

“Ay oo, magpapasama sana ako sayo kasi may bibilhin ako. Alam mo na basta mall, game na game ako diyan!” – Venice

          Pagkatapos ay ipinagpatuloy ulit ang kanilang trabaho ng maghapon.



Sunday, August 10, 2014

Chapter 1

Rommel

          Nakapormal na kasuotan at napaka postura namang  nagsasalita sa harap ng mga tao itong si Rommel para ibenta ang kanilang produkto sa harap ng mga prospect buyers niya.

“Ano mang problema sa inyong kalusugan, balat lalong lalo na sa inyong mukha, Mesana is the answer!” – Rommel

          Pinalakpakan siya ng mga tao at tagapakinig sa kanyang talumpati tungkol sa kanilang produkto. Nilapitan siya ng kanyang visor at kinausap.

“Job well done Mr. Trinidad! Hindi ako nagkamaling kunin ka. Alam kong dadalhin mo ang Mesana sa tuktok ng tagumpay. Congratulations!” – supervisor

“Thank you sir. I will do my best to this company.” – Rommel
          Pagkatapos ng seminar ay bumaba siya ng building para manigarilyo. Habang naglalakad palabas ay tumunog ang kanyang cellphone.
“Hello! Napatawag ka Greg. Anong problema?” – Rommel

“Sir Mel, Kailan po kaya makakarating yung order namin dito? Hanggang ngayon wala pa sir.” – Greg

“Aah! Kung wala pa ngayong hapon, baka bukas na makakarating diyan! Kung wala pa bukas tawagan mo ako para ma-update natin.” – Rommel
“Okay po sir, thanks po.” – Greg
Ipinagpatuloy niya ang paglalakad at nang...ano pa edi nagring ulit ang cellphone niya.
“Hello! Napatawag ka Cecille.” – Rommel

“Sir kailangan daw ulit dito ng 5 sets nung product kasi baka makulangan kami eh ayaw nung mga customer ng naghihintay para may extra stock lang po sana kami.” – Cecille

“Ah okay! Magpapadeliver ako diyan mamaya tapos update kita okay??” – Rommel
“Okay sir, thanks po.” – Cecille

          Pagkalabas ng building ay tumunog ulit ang cellphone niya. Tumatawag naman ngayon ang kanyang girlfriend.

“Hello babe, don’t worry susunduin kita diyan ng 6:00pm. I will be there. Dito pa kasi ako work eh. Kailangan ng speaker eh.” – Rommel

“Okay babe, basta wait na lang kita sa lobby ha?” – gf ni Rommel.

“Okay babe, bye! Love you.” – Rommel

“I love you too. “ – gf ni Rommel

          Naglabas na siya ng sigarilyo at ng sisindihan ay tumunog ulit ang cellphone niya.

“Bro, napatawag ka!” – Rommel

          Tumawag ang isa nilang barkada na si Jake. Si Jake ay kaklase niya noong college sa ilang minor subjects niya kaya magkakilala ito. Dahil sa magbarkada sila, nagtayo sila ng kanilang banda.

“Bro, remind ko lang sayo ung tropa night natin sa Sunday.” – Jake

“Oo naman bro. See you on Sunday hah!” – Rommel

          Hay, natapos din sa wakas at makakapag yosi na din si Rommel. Wala kasi itong ibang kausap kundi ang kanyang cellphone. Buong maghapon lang itong kausap ang kanyang cellphone dahil sa Mesana at sa gabi naman ang kanyang gf ang kausap. In demand kasi yung product nila dahil sa epektibong resulta nito kaya halos umabot ng 40 ang branch nito sa Metro Manila mismo. Masaya naman siya sa kanyang trabaho kahit na tanging mobile niya lang ang kanyang kausap. Basta natutustusan niya ang kanyang pangangailangan at pangangailangan din ng kanyang pamilya.


          Dinama niya ang paghithit ng kanyang sigarilyo sabay buga sa hangin ang usok nito. Sa pagbuga niya ay naaalala niya ang masasayang araw na kasama niya ang kanyang mga tropa.

Wednesday, August 6, 2014

Chapter 1

Jake at School

          Tapos na ang firsta class ni Jake at nilapitan at kinausap siya ng dean.
“Well done Mr. Dela Cruz! Kung palaging ganyan on-time ka, you can keep your job!” – dean Salas.
“Dean, mahal ko ang trabaho. I need to work hard and sacrifice for it di ba?” – Jake
“That is good! That is the kind of faculty I want to keep. Keep it up!” – dean Salas
          Natuwa naman si Jake sa mga narinig niya kaya bago siya umalis ay nagpaalam na ito.
“Okay dean. See you later, I have to go to my next class po.” – Jake
“Okay Mr dela Cruz. Just remember, I’m still watching you.” – dean Salas
          Kinilabutan at kinabahan si Jake kaya agad siyang umalis. Lagi siyang may kaba sa tuwing nakakausap niya si dean. Ganun siguro ang pakiramdam ng lahat ng mga guro.
          Pagdaan niya ay sinalubong siya ng isang estidyante sa hallway. Lumapit ang estudyante sa kanya at binigyan siya ng bulaklak. Siya pala yung natulungan niyang intindihin ang algebra. Isa sa mga klase niya. Nagmadali namang umalis si Jake. Patuloy pa rin siyang naglalakad sa hallway nang makakita ng mga estudyanteng naghaharutan.
“Guys! Hindi Luneta to! Instead of harutan mag-aral kayo for your next subject.” – Jake
          Pangaral niya sa mga nakita niyang naghaharutan. Habang naglalakad si Jake ay nakita niya ang kapwa prof na si Ms. Santos. Si Ms. Santos ay isang matandang dalagang collegue ni Jake na may gusto sa kanya. Siya ay nasa edad 40 at di ko alam kung may asim pa. Patay na patay ito kay Jake. Nang makita ito ay agad siyang lumihis ng landas ngunit napansin pa rin siya ni Ms. Santos kaya hinabol siya.
“Hi Jake! Gusto mo bang sumabay sa aking maglunch mamaya?” – Ms. Santos
“Ah eh may klase ako eh sa oras na yan.” – Jake
Hindi ko alam bakit yang ang sinagot ni Jake eh alam niyang lunchbreak yun at kapag lunch break lahat ng teacher naka break. Tsk. Tsk. Tsk.
“Lahat tayo ay may lunchbreak from 12pm to 1pm. Kaya Mr. Dela Cruz free ka sa oras na yan.” – Ms. Santos
Walang lusot si Jake sa napakatangang sagot niya. Kaya pumayag na lang ito.
“Ah okay.” – Jake
          Saba kamot sa ulo. Mabilis naman siyang umalis papunta sa klase niya. Pagkaraan ng ilang oras ay tumunog na ang bell. Sinyales ito na lunchbreak na. Nagmamadaling ayusin ni Jake ang mga gamit niya nang dumating si Ms. Santos sa pintuan ng room at ayun huli!
“I hope hindi mo nakalimutan yung usapan natin my Jake?” – Ms. Santos
          Wait, tinawag bang “my Jake” ni Ms. Santos si Jake? Hahaha
          Sumagot naman si Jake.
“Hindi, hindi ko nakalimutan. Nakatatak pa nga sa ulo ko eh.” – Jake
          Halos maduwal siya sa kanyang sinabi at sumama na lang kay Ms. Santos. Kunting tiis lang sa pasakit na dulot niya. Malalagpasan mo din ito, just hang-on.

         


Sunday, August 3, 2014

Chapter 1


Jake
          Sa isang madilim na lugar, makikitang pagod na pagod si Jake sa katatakbo dahil hinahabol siya ng mga babae. Hindi niya alam ang kanyang gagawin kayat patuloy siya sa pagtakbo at biglang huminto nang makakita ng isang kotse sa tabi ng kalsada. Mukhang tanga naman ang nag-iwan dito kasi nasa loob ang susi at hindi pa ito naka-lock. Binuksan niya ang kotse at pumasok siya dito. Nang paandarin niya, hindi niya alam na may nakasakay pa lang babae dito at nagtago sa loob ng kotse. Hinawakan siya ng babae at parang sasakalin. Humihigpit ang hawak ng babae. Mas lalong natakot siya nang papalapit pa ang ibang babaeng naghahabol sa kanya. Papalapit sila ng papalapit, at biglang..... tumunog ang alarm. Nagising si Jake at nang tignan ang oras.
"Patay! 45 minutes na lang, mag-iistart na ang klase ko!" - Jake
          Mabilis siyang naligo, nagsipilyo at nagbihis. Paglabas ng bahay ay agad nang pumara ng taxi upang mapabilis ang pagbiyahe papuntang school.
"Naku! 35 minutes na lang! Magagalit nanaman si dean sa akin!" - Jake
          Wala na talagang pagbabago itong si Jake. Ilang beses na siyang nale-late sa klase niya at ilang beses na din siyang pinagsasabihan ng kanyang dean.
“Kapag hindi na ako makapag-tiis sa yo Mr. Dela Cruz, ay tatanggalin na kita sa faculty ko!” – Dean
          Tandang-tanda pa ni Jake ang sinabi sa kanya ng dean kaya naman ganun na lamang ang pagmamadali niya.
“Manong, wala na bang mas bibilis diyan?” – Jake
“Sir, traffic eh! Wala tayong magagawa dito, hintayin lang natin makaabot ako sa kanto at magsho-shortcut tayo. Pero kung gusto niyo ng mas mabilis kaysa sa taxi ko, bumili ka ng helicopter mo sir.” – taxi driver.
          Asarin ba naman siya ng driver.
“Naku! 20 minutes na lang! Kailangan ko na atang maghanap ng bagong trabaho.” – Jake
          Sobrang nag-aalala na si Jake dahil alam niya na kapag male-late pa siya ngayon ay wala na siyang trabaho kasi tatanggalin na siya ng dean.
“Sir, suwerte niyo, walang traffic dito sa shortcut ngayon.” – taxi driver
          Medyo nakahinga ng maluwag si Jake. 15 minutes na lang at nakarating na din siya sa school sa wakas! Binigyan niya ng tip yung driver dahil sa ginawa niya. Sa harap ng school ay bumili si Jake ng kape at dinala niya ito papunta sa kanyang room.
“10 minutes na lang.” – Jake
          Nagmadaling tumakbo si Jake at halos matapon ang kape niya. Habang tumatakbo ay nakasalubong niya ang isa pa niyang klase, binati siya ng mga ito.
“Hi Sir! Good morning!” – students
“Hello! Good morning too.” – Jake
          May 5 minutes pa at umakyat na ito sa stairs kasi madaming tao sa elevator. Habang nasa stairs ay nakasalubong ang isa pang professor.
“Good morning Mr. Dela Cruz! Masyadong nagmamadali ka ata.” – Mr. Vidal
“Good morning din sir. I have to go! Talk to you later.” – Jake
          Nagmadaling tumakbo si Jake sa kanyang kuwarto at ayun, nakaabot din siya sa wakas.
“Good morning class!!! Open your book to page 99.” – Jake
          Ano kaya ang masasabi ng dean at hindi na-late si Jake???